Monday, October 28, 2013

Ang Mga Ibon

Ang mga ibon na lumilipad
Ay mahal ng Dios, Di kumukupas,
Ang mga ibon na lumilipad
Ay mahal ng Dios, Di kumukupas,
Wag ka nang malungkot, Mahal ka ng Dios

Ang mga isda na lumalangoy
Ay mahal ng Dios, Di kumukupas
Ang mga isda na lumalangoy
Ay mahal ng Dios, Di kumukupas
Ang mga isda na lumalangoy
Wag ka nang malungkot, Mahal ka ng Dios

Ang mga puno na lumalaki
Ay mahal ng Dios, Di kumukupas
Ang mga puno na lumalaki
Ay mahal ng Dios, Di kumukupas
Wag ka nang malungkot, Mahal ka ng Dios

Sunday, October 20, 2013

Bata Man Upang Tanggaping Kawal

(Tune: I'm in the Lord's Army)

Bata man upang tanggaping kawal
O mangabayo man, bida sa barilan
At sa eroplano ay sumakay
Ako'y kawal din ng Dios, (Yes Sir!)

Ako'y kawal din ng Dios, (Yes Sir!)
Ako'y kawal din ng Dios, (Yes Sir!)

Bata man upang tanggaping kawal
O mangabayo man, bida sa barilan
At sa eroplano ay sumakay
Ako'y kawal din ng Dios, (Yes Sir!)

Thursday, October 10, 2013

Si Zaqueo

Si Zaqueo taong pandak,
Mayaman at mapilak
Puno ng sikomoro'y inakyat,
upang si Jesus mamalas,
At ng si Jesus ay dumaan,
tumingala't humiyaw,
"Hoy, Zaqueo, bumaba ka jan.
At ako ay dadalaw, dadalaw sa inyong bahay.

Napakaligaya

Napakaligaya at kaaya-aya 
Sa ating pagmasid 
Ang nagkakaisa at laging sama-sama 
Na magkakapatid 
Kahit may problema at wala ng pera 
Di bat laging masaya  
Ganyan nga ang buhay ng na kay Jesus 
Laging may galak sa tuwina.

Si Jesus Ang Lahat Sa Buhay

Si Jesus ang lahat sa buhay, kung kaya may saya!
Si Jesus ang lahat sa buhay, kung kaya may saya!
Problema'y dumarating, ito'y Kanyang lulutasin,
Si Jesus ang lahat sa buhay, kung kaya may saya!

Si Jesus ang lahat sa buhay, kung kaya may ngiti!
Si Jesus ang lahat sa buhay, kung kaya may ngiti!
Problema'y dumarating, ito'y Kanyang lulutasin,
Si Jesus ang lahat sa buhay, kung kaya may ngiti!

Si Noe

Si Noe gumawa ng arko,
Si Noe gumawa ng arko,
Inutusan siya ng Dios.

Bumuhos ang ulan, Bumaha!
Bumuhos ang ulan, Bumaha!
Ang arko'y palutang-lutang

Kaibigan ni Noe nagsabi,
"Noe, Noe pasakay naman nalulunod na kami."
Ang sabi ni Noe, "Hindi pwede, ang arko'y sarado na."

Ang Munting Ilaw

Ang munting ilaw kong ito'y, 
Pagliliwanagin (boom, boom, boom)
Ang munting ilaw kong ito'y,
Pagliliwanagin, sa gitna ng mundong madilim.

Hihipan ko ba? Hindi!
Pagliliwanagin (boom, boom, boom)
Hihipan ko ba? Hindi!
Pagliliwanagin, sa gitna ng mundong madilim.

Tatakpan ko ba? Hindi!
Pagliliwanagin (boom, boom, boom)
Tatakpan ko ba? Hindi!
Pagliliwanagin, sa gitna ng mundong madilim.

Hanggang si Kristo'y dumating
Pagliliwanagin (boom, boom, boom)
Hanggang si Kristo'y dumating,
Pagliliwanagin, sa gitna ng mundong madilim.